Apr. 3rd, 2012

Next Stage

Apr. 3rd, 2012 11:06 pm
mhauck: (don'tcha)
Sulit ang hindi ko pag-uwi ng bahay. Sulit ang hindi ko pagligo, pag-kain, at pagtulog. Sulit na sulit ang pag-iyak ko habang nagdadasal at nagmamakaawa sa simbahan.

Sulit ang lahat ng pagod ko.

Heto na iyon. Wala nang atrasan 'to. Heto na ang panahon para patunayan ang sarili ko at magkaalaman na kung may natutunan nga ba ako sa limang taon kong inilagi sa mga lecture hall at laboratory ng med school.

May Littman stethoscope na ako (maraming salamat sa aking ever supportive girlfriend) at oto-ophtha. Kailangan na lang ipa-calibrate ang BP app at i-check kung gumagana pa ang iba ko pang mga gamit na itinambak ko na lang matapos kong pumasa ng Med I.

Oras na para bumili ng white shoes.

Profile

mhauck: (Default)
mhauck

August 2012

S M T W T F S
   1234
567891011
12131415161718
192021222324 25
262728293031 

Most Popular Tags

Page Summary

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Oct. 6th, 2025 12:46 am
Powered by Dreamwidth Studios