Nov. 1st, 2008

mhauck: (ljdweeb)
Marami akong bagay na dapat kalimutan. Pero di ko magawa.

Kagaya na rin ng ilang bagay na dapat matagal ko nang nagawa pero nanatiling nabubulok sa listahan ko ng "to do".

Ang paglimot daw ay isang skill.

(Putang ina, ano nga ulit sa Tagalog ang skill?)

Dahil kung hindi skill ang paglimot, eh di sana wala nang natitirang alaala sa utak ko. Kung hindi man lahat, sana nabawasan man lang.

Dahil maraming bagay ang mas maganda kung nakalimutan na lang.

Dahil sa panahon ngayon, hindi na pwede ang ibinabaon na lang ang mga bagay sa likod ng utak mong unti-unting nalulusaw sa tuwing may bagong alaalang dumarating.

Baka naman nagiging emo na naman ako?

Sabagay, uso naman ang emo ngayon.

(Modern meaning ng emo = pumapakyaw ng eyeliner at blade, naghihiwa ng sarili dahil sila na daw ang pinakamalungkot na tao sa mundo. Sa tingin ko? Posero silang lahat.)

Masayado nang maraming bagay ang dapat kong kalimutan. Pero habang mas lalo kong pinipilit na mawala na silang lahat sa utak ko, lalo lang silang bumabalik. HIndi dahil sa gusto ko, pero dahil marami rin namang bwisit na nagpapabalik ng mga alaala.

May mga taong ayaw makalimot. Hindi ako kasama dun.

Siguro kasi non-conformist, leftist ako. Pero baka hindi rin.

Ang pinakamagandang paraan daw ng paglimot ay ang repression o ang pag-isip ng ibang bagay sa tuwing maaalala mo ang ayaw mong maalala. Ay putang ina, mamatay na ang nagsabi sa'kin nito. Dahil sa paggamit ng repression, parang pinatungan mo lang nang pinatungan ng mga alaala ang isa pang alaala. Para kang naghukay ng mga alaalang patapon at isa-isa mo silang itatambak doon hanggang umapaw sila at di mo na kayang tabunan pa.

At hindi ko rin alam kung bakit bigla kong naisip na kailangan kong magsulat tungkol sa paglimot.

(Hindi pala ako nagsusulat. Nagta-type ako. At magkaibang bagay yun.)

Ewan ko nga ba. May nabasa lang kasi ako. At ayun, bigla nang bumuhos ang lahat ng mga salita at ayaw nilang tumigil. Kailangan silang ilabas bago pa mapuno ang utak ko at sumabog.

("I left because I thought you had earlier left w/o leaving.
I thought I was right so I left, thinking I was left"
- Angelo Suarez, Galit si Bakhtin sa Tula Dahil Monologic Daw Ito)

Parang ganun din ang paglimot. Akala mo lang iniwan ka na nila, kaya't aalis ka, sa pagaakalang hinayaan ka na't pinalaya ng mga alaala mo. Kaso bigla mo na lang maiisip na mali ka at muli silang bubuhos sa gunita mo. Kapag sumabog na sila sa sobrang dami, saka lang sila tuluyang mawawala sa isipan mo.

Pero gaano ka katiyak na mauunang sumabog ang alaala kaysa sa iyo? Paano kung mauna kang sumabog? Paano kung bumigay ka na lang bigla dahil hindi mo sila kayang pagpatong-patungin pa kaso ayaw pa nilang sumabog na lang bigla at hayaan ka na lang?
mhauck: (Default)
Outpouring

There's so much I could have said
but then there's only so much that I can do

amidst the chaos of the life we together lived
- was it even a life? Or was it a figment
of my imagination?

Suddenly I lost the words.

Within me is a silence
And nothing more
Nothing else

Profile

mhauck: (Default)
mhauck

August 2012

S M T W T F S
   1234
567891011
12131415161718
192021222324 25
262728293031 

Most Popular Tags

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Oct. 7th, 2025 04:36 am
Powered by Dreamwidth Studios