Jun. 2nd, 2011

mhauck: (Default)
Paano ba dapat ipahayag ang isang damdaming ikaw mismo ay hindi mo maipaliwanag? Paano ba dapat bibigyang-linaw ang mga kaganapang ikaw mismo ay nalalabuan?

Paano nga ba dapat isulat ang kaligayahan?

Ayon sa pamantayan ng mga tao, maituturing na ika'y maligaya kung magaan ang iyong pakiramdam, may mababakas na ngiti sa iyong mukha, at para sa mga makakakita o kakausap sa'yo, wari'y isa kang tanglaw dahil parang napakadali sa'yo ng mga bagay. Ang babaw, di ba? Simple. Walang paligoy-ligoy.

Ang kaligayahan ay diretsahang nababatid ng mga makakasalamuha mo sapagkat ito'y hindi madaling itago. Gaya ng simpleng pamantayan nito, simple rin kung maituturing ang paraan ng pamamahayag nito. Subalit paano mo naman ito ipaliliwanag? Paano mo isasaayos ang nagkakarambolang mga salita sa iyong isipan?

Walang kailangang salita.

Bihirang maisulat ang kaligayahan sapagkat hindi sapat ang mga salita upang ipahayag ang pagdiriwang ng damdamin. Kung magawa man itong isulat, mapapansing wari'y may kulang sa katha.

Ang pagsulat ng kaligayahan ang parang pagsagot ng isang palaisipang kulang ng palatandaan - may bakas ngunit hindi mo matutumbok.

Profile

mhauck: (Default)
mhauck

August 2012

S M T W T F S
   1234
567891011
12131415161718
192021222324 25
262728293031 

Most Popular Tags

Page Summary

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Oct. 6th, 2025 03:25 pm
Powered by Dreamwidth Studios